Saturday, December 13, 2008

wala lang...

-posted by jame via Friendster Bulletin
Monday, 8 December, 2008 4:54 PM

Minsan makakakilala tayo ng isang taong magpapakumpleto saten. Subalit madalas hindi naten namamalayan o kung hindi man okupado tayo ng mga bagay na sa pag-aakala naten ay magbibigay saten ng lubusang kaligayahan. At madalas mamamalayan mo lang ito kapag wala na yung tao na yun.

I once been there! I’m telling you masakit kapag nagising ka at namalayan mong mali! Maling-mali yung mga desisyong ginawa mo sa buhay mo! Dun mo rin mapagtatanto na yung taong akala mong andyan lang wala na pala… At ang masakit sa lahat, kapag na-realize mo na yung taong ni sa hinagap ay hindi mo matitipuhang mahalin would be the same person na nakatakda mong mahalin sa huli… At kapag na-realize mo yun huli na ang lahat dahil kumplikado na ang buhay nio pareho… at alam mong maaaring hindi na ikaw ang babaeng pinapangarap niyang makasama.

Totoo ngang malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na cia.

Madalas may mga pagkakataong gusto kong bumalik sa nakaraan at baguhin ang lahat… Kapag nagkagayon, maaaring pareho kaming maligaya ngayon at magkasama… Pero wala na akong magagawa ngayon! Umiyak man ako gabi-gabi wala ng magbabago. Gaya ngayon habang ginagawa ko ito hindi ko mapigilan ang luha ko… Nagkakasya na lamang ako na paminsan-minsang naririnig ang boses nia…

Nagsisisi ako dahil sa mga panahon na magkasama kaming dalawa hindi ko man lang pinahalagahan yung mga sinabi niya at kahit kelan hindi ako naniwala sa mga pangakong binitiwan niya…

Naligaw kasi ako at nung na-realize ko na naliligaw pala ako… Pinilit kong hanapin ang pinaggalingan ko… Para mahanap ang sarili ko… Dun ko lang nalaman na kailangan ko cia sa buhay ko… Pero sa tagal ng panahong nilagi ko sa kawalan, napagod na pala cia sa paghihintay…
Cguro ngayon masaya na cia… Maaaring yung pag-ibig niya ngayon ay may taong nagsusukli na…

Antagal kong pinag-isipan kung dapat ko bang isulat ito… Maikli lang ang buhay… Hindi ko naman hinahangad na masuklian ang pinagdaraanan ko ngayon… Bago man lang sana magpantay ang mga paa ko, malaman nia na nagpapasalamat ako sa pagmamahal na inukol niya at na-realize ko rin na cia ang mahal ko… subalit huli na ang lahat!

Kung sakaling ibigay ng pagkakataon na mabasa mo ito, totoo na minahal kita gaya ng cnabi ko sayo sa boardwalk noon… natatandaan mo pa ba?

1 comment:

  1. Hi jame,
    Putcha naman na touch ang atay ko sa kwento mo! Hmmm.. I want to copy and post your small, melancholic but nostalgic piece here.. favor lang ha.. and i'll change the location boardwalk if you don't mind.. ganda kc maxado e... huhu..
    Thanks in advance!

    ReplyDelete