Maraming mga bagay-bagay ang hindi natin makakalimutan during high school time, yung mga kulitan... tawanan.. asaran... etc... Most of the time dito natin naranasan yung saya na hindi natin makakalimutan hanggang sa pagtanda natin, na kahit siguro sa mga anak o magiging apo natin maipagmamalaki natin ang kwento ntin nung mga panahon na yun...
Haaaayyy... High shool... kung pwede lang sana ibalik yung mga panahon na yun... Iba talaga ang buhay at saya nung mga panahon na yun.. Sabi nga nila ito yung pinakamasaya at hindi makakalimutan sa buhay ng isang estudyante.
Ang bilis tlaga ng panahon ngayon... Akalain m nga naman na more than 10 years na tayong graduate, may sari-sarili na ring buhay, yung iba nsa ibang bansa n, may sari-sarili na ring pamilya, gaya ko... Alam ko maraming nagtataka sa batch natin kung bakit kami ni ersal ang nagka2luyan... Naku... its a long long story... Basta ang masasabi ko lang masaya ako... I mean... kami ng pamilya ko sa isat-isa... Masasabi kong simple lang yung pamumuhay namin pero kuntento kami kung anong buhay meron kami ngayon... Marami din kaming unos na pinagdaanan ni ersal bago kami nagkatuluyan pero sa kabila ng lhat ng yun ito pa rin kami at msayang nagsasama...
Sna dumating yung time na magkasma-sma tayong lahat, kwentuhan, tawanan, kulitan... Miss na miss ko na yun... Lalo na sa mga naging barkada ko during that time... Lam nyo bang hindi ko maipagpapalit yung samahan natin sa mga nakasama ko nung college tayo... Masasabi kong iba tlga nung HIGH SCHOOL...
LUV YOU GUYS.. INGAT KAYO PALAGI.. MISS U ALL....
MMMMMWWWAAAAHHH.... 








No comments:
Post a Comment